Paalam na, Mahal ko
Sampung taon...may masaya, malungkot, may pangit at magandang nangyari. Marami na ang email na naipadala ko sayo, di ko na mabilang...Ganun pala yun, di mo rin kayang masukat kapag nagmahal ka?! Sangkatutak na katatawanan lalo na kapag sumasayaw ka...naalala mo ang sabi ko, da best kang ama pero di ka magaling na mananayaw...tumawa ako ng tumawa na parang ayaw ko na tumigil sa pagtawa...Ang saya noon...mga ilang panahon pa, napuno naman ang bahay ng iyak...iyak ng bata...si Dj. Mas sumaya noon...Akala ko di ko mararanasan mas maging masaya kesa nung una...tatlong taon...ngayon walo na sya...walo pa lang...sabi mo noon sabay tayong bibilang ng mga yapak nya...sabi ko naman...aba! Dapat e maging malakas ka dahil mas mabilis lumipas ang panahon kesa sa pagputi ng buhok mo at buhok ko...Bata pa ang panahon, pero nasaan ka na? Sabi mo sandali na lang at magkakasama na ang panahon at pagputi ng buhok natin...Mukhang hindi na nya tayo hinintay...Sa loob ng maraming taon, ang daming pagkakataon ang sana nga inasahan nating ipinagsama...Sayang, sabi ko...walo na sya pero nagdumali ka na at di ka na nagpatila pa...Salamat sa mga oras na nakasama ka, sa mga kabutihan mo na natuldukan na, sa pagmamahal na naramdaman ko kahit sa huling beses na lang, sa pagiging totoo ng panahon na yan, sabi ko sayo, kahit kelan di ka nawala sa isip ko. Nakita ko sa mga mata mo nung araw na yun, alam ko hindi lang ako yung nagmahal...ikaw rin. Salamat at Paalam, Mahal ko...Ang pagasa na iningatan mo, iingatan ko...iingatan ko ang anak mo, anak ko...
Mahal pa rin kita...yan ang di ko nasabi sayo pero sana naramdaman mo...
0 comments:
Post a Comment